Home HOME BANNER STORY Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Taguig studes – police

Walang foul play sa pagkamatay ng 2 Taguig studes – police

MANILA, Philippines – Walang nakikitang foul play ang Taguig City Police Station batay sa mga inisyal na ebidensyang nakuha nito, kaugnay sa pagkamatay ng dalawang estudyante sa Signal Village National High School.

“Sa mga evidence po tinuturo na wala pong foul play,” pagbabahagi ni Taguig City Police chief Police Colonel Robert Baesa.

Sa kabila nito, sinabi ni Baesa na ipagpapatuloy pa rin ng pulisya ang pagsasagawa ng interview sa mga saksi, maging sa mga kaanak at kaklase ng dalawang nasawing high school students.

Noong Biyernes ng gabi, natagpuan ang wala nang buhay na katawan ng dalawang babaeng high school students sa loob mismo ng Signal Village National High School campus.

Nanawagan naman ang Taguig police sa publiko na iwasang gumawa ng mga haka-haka tungkol sa pagkamatay ng dalawang estudyante upang hindi na lumala pa ang sitwasyon ng mga nagluluksang pamilya.

Nitong Sabado, siniguro ng Department of Education (DepEd) na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine National Police (PNP) para imbestigahan ang pagkamatay ng dalawang estudyante.

Ani DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa, nakikipagtulungan na rin ang concerned school division office sa Scene of the Crime Operation (SOCO).

“The DepEd fully commits to cooperate with the PNP Taguig regarding this matter, and is committed towards the swift and expeditious conduct of the ongoing investigation,” ayon sa ahensya.

Nakiramay ang DepEd sa mga naulilang pamilya at nag-alok ng tulong sa kanila. RNT/JGC

Previous articleLPA sa Mindanao, tropical depression na
Next articlePagbuo ng Dangerous Drugs Court iniumang muli sa Kamara