MANILA, Philippines- Nagpalabas ang Malakanyang ng Executive Order (EO) No. 44, nagdedeklara sa “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” bilang flagship program ng gobyerno.
“The ‘Walang Gutom 2027: Food Stamp Program’ of the DSWD is hereby declared as a Flagship Program of the National Government. The DSWD, as the primary government entity responsible for the implementation and management of social welfare development programs in the country, shall be the lead implementing agency of the Food Stamp Program,” ang nakasaad sa EO, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
“The DSWD shall undertake the necessary steps for the successful implementation and expansion of the Food Stamp Program including, but not limited to, the identification of eligible beneficiaries and collaboration with relevant stakeholders to ensure efficient and timely distribution and use of food stamps,” ayon sa EO.
Binigyan naman ng mandato ang DSWD na makipagtulungan sa iba pang national government agencies (NGAs) at local government units (LGUs) para sa implementasyon nito.
Ipinag-utos din nito sa mga kaugnay na NGAs at lahat ng LGUs na magbigay ng ‘full support’ at makipagtulungan sa DSWD para tiyakin ang epektibong implementasyon ng kautusan.
Inatasan din ang DSWD na idetermina ang tamang ‘staffing pattern at corresponding qualification standards’ para sa paglikha ng karagdagang posisyon na kailangan para sa pangangasiwa at operasyon ng Food Stamp Program at isumite sa budget department, para sa pagrebisa at pag-apruba, ang panukalang pagbabago sa organization structure at staffing pattern ng DSWD.
Ang implementing rules ng EO ay gagawin ng DSWD, 30 araw mula sa pagiging epektibo nito. Gagamitin naman ang appropriation ng DSWD para pondohan ito. Tutulong din sa pagpopondo ang mga partner agency ng departamento.
Sa ulat, layon ng food stamp program na mabawasan ang bilang ng mga nagugutom na pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng Electronic Benefit Transfer (EBT) card na ibibigay sa mga benepisyaryo para makakuha ng pagkain sa partner merchant stores ng pamahalaan.
Makakatulong ng DSWD ang lahat ng ahensya sa national at local government units (LGUs) para masigurong magtatagumpay ang programa alinsunod sa adhikain ni Pangulong Marcos, na matuldukan ang problema sa kagutuman, masigurong maabot ang target na food security, mas mapaigting ang nutrisyon at matatag na agrikultura pagsapit ng 2030.
Magugunitang sinimulan na ang pilot implementation ng programa sa Tondo,Maynila; Dapa, Siargao; San Mariano, Isabela; Garchitorena, Camarines Sur; at Parang, Maguindanao kung saan nasa 3,000 pamilya ang nakinabang. Kris Jose