Home NATIONWIDE Walang hold departure order vs dating glam team ni Heart Evangelista –...

Walang hold departure order vs dating glam team ni Heart Evangelista – DOJ

MANILA, Philippines – Walang inilabas na hold departure order (HDO) laban sa mga dating glam team ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista na hindi pinayagan na makaalis ng bansa patungong Dubai.

Sinabi ni Justice spokesperson Mico Clavano na walang HDO laban sa makeup artist na si Justin Soriano at hairstylist na si Jeck Aguilar na mga glam team na ngayon ni Ms Universe Pia Wurtzback.

Sinabi ni Clavano na wala naman derogatory record ang dalawa upang mailagay sa HDO o international lookout bulletin order.

Magugunita na hindi nakasakay sa kanilang flight patungong Dubai ang dalawa matapos umanong maharang sa check-in counter dito sa Manila at hindi inisyuhan ng boarding passes.

Gayunman, nilinaw ni Clavano na sa kanilang natanggap na ulat ay dahil ito sa problema sa bahagi ng Dubai.

Nabatid na ang airline mismo ang nag-offload sa mga pasahero na pinayuhan na dumirekta muna sa UAE Embassy.

Sina Aguilar at Soriano ang kilalang glam team ni Heart nang biglang magdesisyun na maghiwalay na ng landas.

Hanggang sa ngayon ay tikom ang bibig ng bawat panig sa tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay. Teresa Tavares

Previous articlePagbaba sa lebel ng tubig sa Angat Dam, magpapatuloy sa El Niño
Next articleFood security, agri cooperation pag-uusapan sa state visit ni PBBM sa Vietnam