Home NATIONWIDE Walang inaasahang bagyo ‘gang sa katapusan ng Enero – PAGASA

Walang inaasahang bagyo ‘gang sa katapusan ng Enero – PAGASA

MANILA, Philippines – Walang inaasahang bagyo ang papasok o mabubuo sa Philippine area of responsibility (PAR) hanggang sa katapusan ng buwan.

Sa kabila nito, sinabi ng PAGASA na mararanasan pa rin ang maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa ilang lugar sa bansa.

“Wala naman tayong inaasahang bagyong papasok ng ating Philippine area of responsibility and low chance na magkakaroon pa tayo hanggang sa matapos ang buwan na ito,” ayon kay Benison Estareja ng PAGASA sa public report.

“Sa ngayon ay umiiral pa din ang shear line at nagpapaulan pa din ito sa malaking bahagi ng Visayas and Mindanao,” pagpapatuloy niya.

“Inaasahan din ang epekto ng amihan sa natitirang bahagi ng Visayas at malaking bahagi ng Luzon. Ito ay nagdadala ng malamig na panahon at mahihinang pag-ulan doon,” dagdag pa ni Estareja. RNT/JGC

Previous articlePilipinas, Top 8 sa Global Impunity Index
Next articleDennis, bet makatikim ng minumura!