MANILA, Philippines – Lehitimo at pinayagan ng gobyerno ang kautusan na mag-angkat ng asukal sa unang bahagi ng taon.
Ito ang iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee.
Binigyang diin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na walang iregularidad sa di umano’y illegal entry ng kargamento ng asukal sa bansa bago pa ipinalabas ang Sugar Order No. 6.
“We confirm that the importation was legitimate and fully authorized by the government. The importation was not an effort ar cartelization, nor was it about government smuggling of sugar,” ani Bersamin.
Sinabi pa ni Bersamin na ang importasyon ay sinserong hakbang para tugunan ang tumataas na inflation at sugar prices sa pamamagitan ng pag-establisa ng buffer stock ng asukal “as measure to regulate price increases.”
Tinukoy nito ang Executive Order No. 18 na nilagdaan noong 1986 ni dating Pangulong Corazon Aquino, para iregulate ang sugar market.
“We were, at that time, a net exporter of sugar. The creation of the Sugar Regulatory (Administration) under this executive order had nothing to do with importation,” dagdag na wika ni Bersamin.
Tinuran pa niya na ang unang beses na importasyon ay “came to the cognizance ” ng SRA ay noon lamang Agosto 2022 sa pamamagitan ng joint memorandum na nagsasaad na “no imported sugar shall be released to the importer consignee without an SRA clearance.”
Sinabi pa ni Bersamin na ang pagpapalabas ng sugar order ay hindi isang prerequisite para sa importasyon nito.
Advertisement