MANILA, Philippines – ARESTADO ang tatlo (3) matapos mahulihan ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City kaninang madaling araw Pebrero 11, 2023 (Sabado).
Kinilala ni Cpt. Elmer Antonio hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Quezon City Police District station 14 Holy Spirit ang mga dinakip na sina Michael Angelo Ferrer, alyas Boss, 26, binata, residente ng Rosal Street, Pingkian 3, Zone ll, Brgy. Pasong Tamo, QC, Mark Anthony Balahadia, 40, binata, ng ACF Road Brgy.San Bartolome,QC at Erickson Rosaroso, 39, walang trabaho, ng Elma Street, Brgy. Commonwealth,QC.
Ayon sa ulat ni Pat. Jesus Sumalinog Jr. investigator nadakip ang mga suspek sa no. 260 Rosal Street,Pingkian 3 Zone ll,Brgy. Pasong Tamo, QC dakong 3:50 ng madaling araw.
Sinabi ni Sumalinog na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga pulis sa naturang lugar laban sa isang alyas Boss ( Michael Angelo Ferrer) dahil umano sa pagkakasangkot nito sa ilegal na droga.
Ayon sa pulisya isang pulis ang nagpanggap na poseur buyer at nagpanggap na bibili ng P300 na halaga ng shabu sa suspek na si Boss.
Makaraang iabot ang isang maliit na plastic heat sealed sachet ng hinihinalang shabu agad dinakip ng mga pulis ang suspek na hindi na nakapalag pa.
Dinakip din ang dalawang suspek na inabutan sa naturang lugar matapos mahulihan ng iligal na droga.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang mga suspek sa naturang himpilan ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Santi Celario