Home HOME BANNER STORY Walang nakaligtas sa nawawalang Titanic sub – OceanGate

Walang nakaligtas sa nawawalang Titanic sub – OceanGate

MANILA, Philippines- Pinaniniwalaang patay na ang limang indibidwal na sakay ng nawawalang submersible, ayon sa kompanya na may-ari ng vessel, na tumutuldok sa malawakang paghahanap sa vessel na sinakyan ng mga manlalakbay patungo sa pinaglubugan ng Titanic.

“These men were true explorers who shared a distinct spirit of adventure, and a deep passion for exploring and protecting the world’s oceans,” pahayag ng OceanGate Expeditions. “Our hearts are with these five souls and every member of their families during this tragic time.”

Ito ang inihayag ng OceanGate ilang minuto matapos maiulat na may natagpuang debris sa ocean floor nitong Huwebes malapit sa pinaglubugan ng Titanic na hinihinalang mula sa submersible, batay sa internal U.S. Coast Guard document.

Nadiskubre ng unmanned deep-sea robot na dineploy mula sa Canadian ship ang “debris field” malapit sa kinaroroonan ng century-old wreck, “2-1/2 miles (4 km) below the surface,” ayon sa U.S. Coast Guard sa Twitter.

Ilang araw ang ginugol ng rescue teams mula sa iba’t ibang bansa  upang humanap ng senyales ng 22-foot (6.7-meter) Titan, na minamaniobra ng U.S.-based OceanGate Expeditions.

Nawalan ng contact sa submersible noong Linggo ng umaga, halos isang oras at 45 minuto ng dapat sana’y dalawang oras na descent.

Sakay ng vessel ang limang indibidwal na kinilalang sina British billionaire at explorer Hamish Harding, 58; Pakistani-born business magnate Shahzada Dawood, 48, at kanyang 19-anyos na anak, si Suleman, kapwa British citizens; French oceanographer at Titanic expert Paul-Henri Nargeolet, 77, na ilang beses nang nakarating sa wreck; at Stockton Rush, ang American founder at chief executive ng OceanGate, na nagpapatakbo sa submersible. RNT/SA

Previous articleSitcom ni Bossing sa GMA7, lilipat sa TV5?
Next articleBagong renovate na sports complex, binuksan; ayuda sa solo parents, ipinamahagi ng Navotas LGU