MANILA, Philippines – Walang nakapasa sa special professional licensure examination (SPLE) para sa Filipino social workers na isinagawa sa Middle East.
Ito ang inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Mayo 24, kung saan walang aplikante ang nakapasa sa naturang licensure exam na ibinigay ng Board for Social Workers sa Abu Dhabi at Dubai, United Arab Emirates, at Al Ahmadi, Kuwait.
Isinagawa ang SPLE sa Middle East noong Abril 22 nina Board of Workers Chairman Lorna C. Gabad at mga miyembrong sina Rosetta G. Palma, Fe J. Sinsona, at Ely B. Acosta.
Maliban sa social workers, isinasagawa rin ang SPLE para sa mga Pinoy architects,
chemical engineers, civil engineers, electronics engineers, electronics technicians, environmental planners, geodetic engineers, master plumbers, mechanical engineers, certified plant mechanics, midwives, nurses, psychometricians, teachers, radiologic technologists, X-ray technologists, registered electrical engineers, registered master electricians, respiratory therapists, at veterinarians sa Middle East at Singapore. RNT/JGC