Home NATIONWIDE Walang nasawing Pinoy sa gun attack sa Russia

Walang nasawing Pinoy sa gun attack sa Russia

MANILA, Philippines – Walang anumang naitalang Filipinona nasawi sa pag-atake sa isang concert hall malapit sa Moscow sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) na binanggit ang Department of Foreign Affairs (DFA).

“We received information from Usec Ed de Vega of the @DFAPHL that no Filipino was hurt in the latest terrorist attack in a concert hall in Moscow”, sabi ni DMW officer-in-charge Hans Leo Cacdac sa X (dating Twitter).

“Our deepest sympathies and prayers for the families of the victims of the attack,” dagdag pa ni Cacdac.

Sinabi ng Investigative Committee ng Russia na higit sa 60 katao ang napatay sa pag-atake habang mahigit isang daang tao ang nasugatan matapos magpaputok ang mga nakasuot ng camouflage-clad na mga gunmen.

Hindi bababa sa limang armadong lalaki ang nagsimulang barilin ang mga sibilyan sa Crocus City Hall bago magtanghal ang Soviet -era rock group na “Picnic” sa 6,200-seat theater sa isang suburb sa kanluran ng Moscow.

Ang mga bata ay naiulat na kabilang sa mga namatay at nasugatan sa konsiyerto sa isa sa mga pinakamatinding pag-atake sa Russia sa mga dekada.

Ang Islamic State, ang militanteng grupo na minsang humingi ng kontrol sa Iraq at Syria, ay inako ang pananagutan sa pag-atake, sinabi sa Telegram channel ng grupo.

Nagpahayag ng pagkabigla, at kinondena ang puwersa ng Estados Unidos, European at Arab at marami pang Soviet republics ang pag-atake at naghatid ng kanilang pakikiramay.

Itinanggi ng Ukrainian presidential adviser na si Mykhailo Podolyak ang kaugnayan ng Ukraine sa pag-atake. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleDOH ‘code white’ ngayong Semana Santa
Next articleEasterlies magdadala ng kalat-kalat na pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa