Home NATIONWIDE Walang palamuting klasrum pwedeng magresulta sa ‘understimulated’ learner – psychologist

Walang palamuting klasrum pwedeng magresulta sa ‘understimulated’ learner – psychologist

MANILA, Philippines- Sa gitna ng Department of Education Order No. 21 series of 2023, na nag-aatas sa mga silid-aral at pasilidad sa paaralan na kalusin lahat ng “unnecessary artwork, decorations, tarpaulins, and posters,” sinabi ng isang child clinical psychologist na hindi masama ang ilang dekorasyon sa silid-aralan na may kinalaman sa pinag-aaralan ng mga estudyante.

“Kung completely walang laman ang ating mga walls sa classroom, sobrang understimulated naman and, especially na public school setting, ‘di ba? Parang it’s very important that kids are stimulated,” pahayag ni Dr. Anna Tuazon sa isang panayam.

Idinagdadg niya na iba’t iba dapat ang panuntunan sa palamuti sa kindergarten, elementary, at high school classrooms.

“Kailangan welcoming, lively, engaging, ang important related sa lesson. So kung nag-a-alphabet sila, bagay na bagay na may alphabet sa ating classrooms,” paliwanag ni Tuazon.

“Puwede mo siyang itimpla, puwede mo syang i-change seasonally,” dagdag niya. RNT/SA

Previous articleE-ticketing system target ikasa ng PPA
Next articleDILG sa Makati, Taguig: Comelec asistihan sa BSKE sa mga inilipat na barangay