Home HOME BANNER STORY Walang pangako sa China sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin...

Walang pangako sa China sa pag-alis ng BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal – Arroyo

MANILA, Philippines – Nagsalita na si dating Pangulo at ngayon ay Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo nitong Sabado, Agosto 19 kaugnay sa isyu na nangako umano siya sa China na aalisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

“I have been asked to comment on claims that the Philippine government had promised China to remove BRP Sierra Madre from Ayungin Shoa… I never made such a promise to China or any other country. Second, I never authorized any of my government officials to make such a promise,” saad sa pahayag ni Arroyo.

Ito ay makaraang manindigan ang kanyang dating spokesperson na si Rigoberto Tiglao na nagsabing si dating Pangulong Joseph Estrada ang nangako sa China na aalisin mula sa kasalukuyang pwesto ang BRP Sierra Madre.

Para kay Arroyo, hindi umano niya alam na nagkaroon ng kahit anong usapin kaugnay dito.

“I only became aware of such claims recently when the matter surfaced in public discussions,” dagdag pa ni Arroyo.

Sinabi rin ng dating Pangulo na hindi na siya magbibigay pa ng karagdagang komento at hahayaan na lamang ang foreign affairs officials na humawak sa isyu, “with a minimum of distraction”.

Matatandaang sinabi ni Tiglao na ang pangako sa China ay isinagawa sa panahon ng administrasyon ni Estrada noong 1999, kaparehong taon na inilagay sa naturang shoal ang kinakalawang nang Navy ship.

Ani Tiglao, mayroon siyang sapat na ebidensya para patunayan ito.

Itinanggi naman ng kampo ni Estrada ang paratang.

Sinabi naman ng kanyang anak na si Senator Jinggoy Estrada na si dating senador Orly Mercado, “confirmed that there was no agreement or promise to the Chinese government.”

Si Mercado ay naglingkod bilang defense secretary ni Estrada na nauna na ring nagsabing walang naging ganitong pangako ang kanyang administrasyon.

Bago pa rito, sinabi na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi niya alam ang ganitong uri ng kasunduan, ngunit kung nagkaroon man ay binabawi na niya ito.

Itinanggi rin ng National Security Council (NSC) ang sinasabi ni Tiglao.

Ang isyu ay pumutok nang bombahin ng water cannon ng Chinese coast guard ang mga barko ng Pilipinas na patungo sa Ayungin Shoal para sa resupply mission sa BRP Sierra Madre. RNT/JGC

Previous articleHabagat makaaapekto sa South Luzon, VisMin
Next articlePagbaklas sa mga kubol sa mga piitan sa bansa, agad ipinag-utos ni Catapang