Home NATIONWIDE Walang ‘prohibition’ sa pagbabalik-politika ni Digong – solon

Walang ‘prohibition’ sa pagbabalik-politika ni Digong – solon

MANILA, Philippines- Hindi ipinagbabawal ng batas na ipagpatuloy ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang karera sa politika, ayon kay dating PDP-Laban leader Johnny Pimentel nitong Miyerkules.

“Under our Constitution, one term is applicable only to the president. In this case, he’ll (Duterte) be running as vice president, there is no prohibition,” ani Pimentel.

“We are in a democracy. Therefore, every citizen, everyone is entitled to file that certificate of candidacy as long as they are qualified,” dagdag ng Surigao del Sur lawmaker.

Nakasaad sa 1987 Constitution na inihahalal ang Pangulo ng taumbayan para sa anim na taong termino. Hindi siya elibible sa reelection at maaari lamang maupo sa nasabing pwesto sa loob ng isang termino.

Sinang-ayunan naman ni Edna Co, dating dean ng UP National College of Public Administration and Governance ang posisyon ni Pimentel at sinabing: “Pwede naman yun [It can be done]. We have not had that except in the case of Gloria Macapagal-Arroyo. She ran for Congress after her term as president. That’s a possibility, we cannot count that out. It’s the choice of the former president.”

“If we notice, maraming sinasabi which is why he can change his mind and this can change,” ani Co patungkol kay Duterte.

“Only time can tell if he’s serious [about] running for vice president,” sabi naman ni Pimentel.

Sa panayam nitong Lunes ng gabi, sinabi ni Duterte na babalik siya sa politika kung mapatatalsik ang anak niyang siVice President at Education Secretary Sara Duterte, sa ₱125-million confidential fund controversy, na ginastos lamang umano niya sa loob ng 11 araw.

“Alam mo, ‘pag ginawa niyo iyan, babalik ako sa pulitika. Mapilitan ako, either I run for senator or I will run for vice president maski matanda na ako,” giit niya. RNT/SA

Previous articlePBA: Pido nakipagsigawan kay import Robinson
Next articlePadilla, pumanig sa posisyon ni PBBM sa ICC sa drug war probe vs Duterte