Walang provocation na naganap: Full-blown investigation, hiniling ng Army

Walang provocation na naganap: Full-blown investigation, hiniling ng Army

June 30, 2020 @ 9:12 AM 2 weeks ago

  • 8
  •  
  •  
    8
    Shares
Share

Manila, Philippines – ‘Full-blown investigation’ ang hinihingi ng Philippine Army sa umano’y misencounter sa pagitan ng mga pulis at sundalo sa Jolo, Sulu kung saan apat ang nasawi.

Ayon kay Army commander Lieutenant General Gilbert Gapay, wala namang ginagawa ang mga sundalo na makapagtutulak sa mga pulis para gawin ang naturang pamamaril.

“Based on eyewitness accounts, no altercation transpired between the two parties nor was there any provocation on the part of Army personnel to warrant such carnage,” aniya sa press statement.

“Furthermore, no agents from the Philippine Drug Enforcement Agency are involved and this is not an anti-drug operation,” dagdag pa nito.

Samantala, hiniling ng Western Mindanao Command (WestMinCom) sa National Bureau of Investigation na magsagawa ng imbestigasyon habang pinadisarmahan na ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga pulis na sangkot sa insidente. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...