Home NATIONWIDE Walang senior, PWD discount: New Philippine Passport Act, aprubado sa Senado

Walang senior, PWD discount: New Philippine Passport Act, aprubado sa Senado

MANILA, Philippines – Niratipikahan ng Senado nitong Miyerkules, Disyembre 6 ang final version ng panukalang New Philippine Passport Act ngunit pumayag ang pangunahing isponsor na tanggalin ang 20% discount para sa senior citizens at persons with disability (PWDs).

Pinangunahan ni Senador Imee Marcos, chairperson ng Senate committee on foreign relations, ang pag-isponsor sa bicameral conference committee report hinggil sa disagreeing provisions ng Senate at House of Representatives.

Nakatakda sa ilalim ng reconciled version, ipinanukala ng komite na tanggalin ang 20% sa passport applications ng senior citizens at persons with disability (PWDs) base sa argumento ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang ibang ahensiyang nagbibigay ng katulad ng discount.

Pero, itinaas ng komite ni Imee ang parusa na may kaugnayan sa hindi maayos na paggamit ng passport o anum ang travel documents kabilang ang insidente forgery, counterfeiting, mutilating, altering ng documents mula sa hindi hihigit 18 buwan hanggang isang araw tungo sa anim na taon hangang 12 taon hanggang 15 taon.

Inaprubahan naman ng Senado ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa noong Setyembre. Ernie Reyes

Previous articleKita ni Mariel sa online selling, inilabas!
Next articleMas maraming cash benefits sa seniors, ratipikado sa Senado