Home NATIONWIDE Walang wagi sa Ultra, Super Lotto draws nitong Linggo

Walang wagi sa Ultra, Super Lotto draws nitong Linggo

MANILA, Philippines- Walang nakasungkit ng Ultra Lotto 6/58 at Super Lotto 6/49 jackpot prize sa draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Walang nakahula sa Ultra Lotto winning digit combination na 31-15-07-37-24-25 at nagkamit ng jackpot prize na P49,500,000.

Subalit, 10 mananaya ang nanalo ng tig-P120,000 para sa second prize, habang 1014 players ang nakakuha ng tig-P2,000 para sa third prize.

Gayundin, walang nakahula sa Super Lotto 6/49 winning numbers na 35-20-03-32-45-31 na may jackpot na P28,066,279.40.

Subalit, anim na Super Lotto bettors ang makakukuha ng tig-P50,000 para sa second prize, habang 393 players ang nagkamit ng tig-P1,200 para sa third prize.

Sa digit games result naman, 2-6-6 para sa 3D Lotto at 30-18 para sa 2D Lotto.

Nakatakda ang sunod na Ultra at Super Lotto draw sa Aug. 15. RNT/SA

Previous articlePagsasabatas ng Negros Island Region bill tiniyak ni Zubiri
Next articleParak patay sa pamamaril!