Home METRO #WalangKuryente sa Binangonan, Rizal sa Peb. 25

#WalangKuryente sa Binangonan, Rizal sa Peb. 25

MANILA, Philippines- Nagbabadya sa ilang barangay sa ilang lugar sa Binangonan ang power interruption sa Feb. 25 sa pagsasagawa ng Manila Electric Company ng maintenance activities sa mga apektadong lugar.

Simula alas-12:01 ng madaling araw sa February 25, epektibo ang power service interruption sa ilang bahagi ng Quarry Road mula Manila East Road (Angono-Binangonan National Highway) saklaw ang Village East III Subdivision; Sunnyville Subd. Phases 1 hanggang 4, Mabuhay Homes Phases 1 hanggang 4; Saint Monique Valais Subdivision, Phase 1 hanggang 4; Michael Homes Subdivision, Phases 1 hanggang 4; First Employees Village, Meralco Housing Village, Madrigal Village, Rizal Cement Village, Ynares Village, Sitio Fatima; Sitio San Roque at Sitio San Valentine sa Barangays Calumpang, Pag-Asa, Palangoy at Pantok. Tatagal ito hanggang alas-5 ng madaling araw sa Feb. 25. 

Anang Meralco, parte ang service disruption ng scheduled reconductoring works sa kahabaan ng Quarry Road sa Barangay Pantok, Binangonan. RNT/SA    

Previous article‘Pananadyak’ ng titser sa estudyante tatalupan ng DepEd
Next articlePH unang bansa sa Asya na nagratipika sa ILO Convention vs workplace harrassment