MANILA, Philippines – Kanselado na ang mga klase para ngayong Martes, Setyembre 5, 2023 sa ilang lugar dahil sa epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, na patuloy na pinalalakas ng Bagyong Hanna kahit na nakalabas na ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng walang pasok ay:
Lalawigan ng Bulacan – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Lalawigan ng Zambales – lahat ng antas, pampubliko at pribado
Kanselado rin ng Zambales ang trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno at sa mga pribadong opisina para sa Martes, Setyembre 5. RNT