Home METRO #WalangPasok sa Ilocos Norte sa Sept. 11 sa ika-106 taong kapanganakan ni...

#WalangPasok sa Ilocos Norte sa Sept. 11 sa ika-106 taong kapanganakan ni Marcos Sr.

MANILA, Philippines- Idineklara ng Malakanyang na Special (Non-Working) Day sa lalawigan ng Ilocos Norte, Setyembre 11, araw ng Lunes.

Batay sa Proclamation No. 327, ang nasabing petsa ay pagdiriwang ng ika-106 anibersaryo ng kapanganakan ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Akma lamang at tama na ang mga tao sa lalawigan ng Ilocos Norte ay mabigyan ng pagkakataon na magpartisipa sa naturang okasyon at magsaya sa nabanggit na selebrasyon.

Samantala, ang nasabing proklamasyon ay nilagdaan ni Executive Lucas P. Bersamin, araw ng Miyerkules, Agosto 23, 2023. Kris Jose

Previous articleOFW Ward bill inihain ni Bong Go sa Senado
Next article‘Goring’ inaasahang magiging bagyo sa Sabado – PAGASA