MANILA, Philippines – Suspendido ang pasok sa pamahalaan at mga paaralan sa ilang lugar sa Eastern Visayas ngayong Miyerkules, Nobyembre 8 bilang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.
Pinirmahan ng mga alkalde ang ilang executive orders nitong Martes upang payagan ang mga residente na lumahok sa locally initiated commemorative activities.
Ayon kay Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, kinakailangan ang suspensyon ng klase upang gunitain ng mga residente ang anibersaryo ng pananalasa ng bagyo na kumitil sa mahigit 2,000 katao sa lungsod.
“The city of Tacloban recognizes the profound impact of the catastrophic event on the lives of our citizens and solemnly commemorates the 10th anniversary of Typhoon Yolanda,” anang alkalde sa direktiba.
Naglabas din ng anunsyo na walang pasok sa trabaho at paaralan sa mga sumusunod na lugar:
Leyte:
Palo
Tanauan
Tolosa
Carigara
Babatngon
San Miguel
Santa Fe
Hindang
Hilongos
Bato
Abuyog
Calubian
Matalom
MacArthur
Dagami
Isabel
Burauen
Albuera
Mahaplag
Merida
Leyte
Tabango
Villaba
Barugo
San Isidro
Matag-ob
Eastern Samar:
Guiuan
Dolores
Oras
Samar:
Basey
Sta. Rita
Marabut
Southern Leyte:
Maasin City
Noong Nobyembre 4, 2019, inaprubahan ng Kamara ang House Bill 4960 na nagdedeklara sa Nobyembre 8 bilang “Yolanda Commemoration Day” sa rehiyon.
Pending pa sa Senado ang hiwalay na panukala na inihain noong 2017. RNT/JGC