MANILA, Philippines – Magkakaroon ng mga water service interruption sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela, Manila, at Quezon City mula Mayo 22 hanggang 27 dahil sa network maintenance, ayon sa pahayag ng Maynilad Water Services noong Sabado.
Sa Caloocan City, ang mga Barangays 28, 31, at 35, lalo na sa kanto ng Dagat-Dagatan Extension at C3; mga Barangay 41 hanggang 45, partikular sa kanto ng 2nd Avenue (west) at Rizal Avenue; at Barangays 28 at 31, partikular sa kanto ng Tuna at Taksay Street ay walang tubig mula 11 p.m. ng Mayo 22 hanggang 4 a.m. ng Mayo 23.
Ang mga apektadong lugar mula 11 p.m. ng Mayo 23 hanggang 4 a.m. ng Mayo 24 ay nasa Barangays 159 at 160, partikular sa kanto ng Herrera at Reparo, at Barangay 159, partikular sa kanto ng Rivera at Reparo.
Ang mga Barangay 25, 29, 30, at 32 hanggang 35, partikular sa kanto ng A. Mabini (south) at Dimasalang, ay walang tubig mula 11 p.m. ng Mayo 24 hanggang 4 a.m. ng Mayo 25.
Ang mga Barangay 132 at 133, partikular sa kanto ng Gen. Tinio at Zapote; at mga Barangay 92 at 94 hanggang 100, partikular sa kanto ng Jasmin at 11th Avenue, ay walang tubig mula 11 p.m. ng Mayo 25 hanggang 4 a.m. ng Mayo 26.
Ang mga Barangay 46 hanggang 51, partikular sa kanto ng 4th Avenue (west) at Rizal Avenue, ay apektado mula 11 p.m. ng Mayo 26 hanggang 4 a.m. ng Mayo 27.
Samantala, ang Barangay Potrero sa Malabon City at mga Barangay Gen. T. De Leon at Karuhatan sa Valenzuela City, partikular sa kanto ng Lorex at Gen. T. De Leon, ay apektado mula 10 p.m. ng Mayo 23 hanggang 6 a.m. ng Mayo 24.
Sa Navotas City, ang Barangay San Jose, partikular sa kanto ng F. Pascual sa mga Barangay San Roque at Tangos, lalo na sa kanto ng Gov. Pascual at Judge Roldan, ay walang tubig mula 11 p.m. ng Mayo 23 hanggang 4 a.m. ng Mayo 24.
Sa Maynila, ang mga Barangay 383, 384, 388, 390 hanggang 394, Quiapo, 395 hanggang 397, at 400 hanggang 404, at Sampaloc, partikular sa kalsada ng Nicanor Reyes harap ng FEU, ay walang tubig mula 11 p.m. ng Mayo 23 hanggang 4 a.m. ng Mayo 24.
Sa Quezon City, ang Barangay Sauyo, partikular sa kanto ng Greenville at Mozart, ay walang tubig mula 7 a.m. hanggang 9 a.m. ng Mayo. RNT