MANILA, Philippines- Nasa tatlong barangay sa Antipolo City at isa sa Cainta ang mawawalan ng tubig sa loob ng pito hanggang walong oras sa Sept. 19 hanggang 20.
Inanunsyo ng water concessionaire Manila Water sa social media pages nito na magkakaroon ng water interruption sa ilang bahagi ng Barangay Muntindilaw sa Antipolo City partikular sa Village East at Country Homes area ng lungsod at Barangay Sto. Domingo sa Cainta partikular sa Kasibulan Village; Dacon Homes; Village East Subdivision; Country Homes; Goldland Subdivision; Cypress Subdivision; Villa Olympia; Mayfield Residences; at kahabaan ng Imelda Avenue mula Kasibulan Village hanggang sa USA 88 Gas Station, mula alas-10 ng gabi sa Sept. 19, Martes hanggang alas-6 ng umaga sa Sept. 20, Miyerkules.
Gayundin sa Antipolo City ,mawawalan ng tubig sa Barangay San Isidro, partikular sa Sitio Maligaya, Sitio Epheta, Sitio Riverside, Sitio Tanglaw, Hidden Valley at Harmonious at sa Logcom at Barangay Dela Paz, mula alas-10 ng gabi sa Sept. 19, Martes hanggang alas-5 ng umaga sa Sept. 20, Miyerkules dahil sa line maintenance activities ng Manila Water sa Sitio Tanglaw. RNT/SA