Home METRO #Walangtubig sa ilang bahagi ng Parañaque, Pasay

#Walangtubig sa ilang bahagi ng Parañaque, Pasay

217
0

Ilang barangay sa mga lungsod ng Parañaque at Pasay ang makararanas ng kawalan ng tubig mula Mayo 25 hanggang Mayo 26, 2023.

Sa Parañaque City, ang mga sumusunod na barangay ang makararanas ng dalawang araw ng kawalan ng tubig mula 12:01 ng umaga ng Mayo 25 (Huwebes) hanggang 11:59 PM ng Mayo 26 (Biyernes) ay ang Barangay BF Homes, Barangay Don Bosco, Barangay Marcelo Green, Barangay San Antonio at Barangay San Martin De Porres.

Mula 8:00 ng gabi ng Mayo 25 (Huwebes) hanggang alas 6:00 ng umaga Mayo 26 (Biyernes) na may kabuuang 10 oras ng kawalan ng suplay ng tubig ang mararanasan ng mga residente ng mga barangay ng Barangay Marcelo Green, Barangay Merville, Barangay Moonwalk at Barangay San Antonio.

17 oras namang mawawalan ng suplay ng tubig ang Barangay BF Homes at BF International na magsisimula ng 12:01 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon ng Mayo 25 (Huwebes).

Advertisement

Sa Pasay City, anim na barangay lamang ang makararanas ng 10 oras ng pagkawala ng suplay ng tubig na kinabibilangan ng mga Barangays 181-185 at Barangay 201 na nakatakda ang implementasyon sa darating na Mayo 25 (Huwebes) ng alas 8:00 ng gabi at magtatagal ng hanggang alas 6:00 ng umaga kinabukasan (Mayo 26).

Ayon sa Maynilad Water Services, Inc., ang isasagawang water service interruption ay dulot ng pagbibigay-daan sa pagsasaayos ng tagas sa ultrafiltration backwash valve sa Putatan Water Treatment Plant 2 sa Muntinlupa City.

Pinapayuhan ang lahat ng mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na tubig bago ang takdang oras ng interruption.

Para sa iba pang katanungan o kaugnay na concern, bisitahin lamang ang Facebook page ng Maynilad Water Services, Inc. James I. Catapusan

Previous article5 bebot timbog sa droga
Next articleRider utas sa salpukan ng motor vs SUV

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here