Home METRO #WalangTubig sa ilang bahagi ng QC, Cavite ngayong Martes

#WalangTubig sa ilang bahagi ng QC, Cavite ngayong Martes

339
0

MANILA, Philippines- Idinagdag ng Maynilad Water Services, Inc. ang Quezon City at Cavite sa mga apektadong lugar sa emergency service interruption ngayong Martes.

Mitsa ng service improvement activities ang power interruption sa Lamesa pumping station na matatagpuan sa QC at network maintenance sa Cavite.

Inaasahan ang water disruptions mamayang gabi at matatapos bukas ng umaga.

Narito ang mga apektadong lugar at kaukulang iskedyul:

Aug. 29-30, mula 10 PM hanggang 10 AM

  • Quezon City – Brgys. Greater Lagro, Kaligayahan, Pasong Putik, San Agustin, Capri, Gulod, Nagkaisang Nayon, Nova Proper, San Agustin at Sta. Monica.

Aug. 29-30, mula 8 PM hanggang 6 AM

  • Cavite City – Brgys. 32 hanggang 35, 38, 38-A, 39 hanggang 41, at 56

Magde-deploy naman ng water tankers upang magbigay ng water supply sa mga residente sa mga nasabing lugar. Hinihikayat ng Maynilad ang mga kustomer na simulan nang mag-ipon ng tubig bago mag-umpisa ang maintenance. RNT/SA

Previous articleSharon, sumasakit ang ulo sa concert nila ni Gabby!
Next articleIlang kalsada sa Luzon ‘di madaanan sa hagupit ni ‘Goring’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here