Home METRO #WalangTubig sa ilang lugar sa QC sa March 19-22

#WalangTubig sa ilang lugar sa QC sa March 19-22

MANILA, Philippines- Makararanas ang ilang lugar sa Quezon City ng temporary water supply interruption mula March 19 hanggang 22 dahil sa scheduled maintenance activities, ayon sa Manila Water Company nitong Biyernes.

Pinayuhan ng Manila Water na mag-imbak ng tubig ang mga residente mula sa mga sumusunod na lugar:

Mula 10 p.m. sa March 19 hanggang 4 a.m. sa March 20

  • Ilang bahagi ng Barangay Eulogio Rodriguez

Rason: Line maintenance sa Columbia Street corner 15th Avenue at Columbia Street corner Purdue Street

  • Ilang bahagi ng Barangay Claro, Barangay Duyan Duyan, at Barangay Quirino 3-A

Rason: Line maintenance sa Tindalo corner Anonas Streets

  • Ilang bahagi ng Barangay Blue Ridge B

Rason: Line maintenance sa Union Lane corner Comets Loop

Mula 10 p.m. sa March 20 hanggang 4 a.m. sa March 21

  • Ilang bahagi ng Barangay Central, Barangay UP Village, at Barangay Teachers Village West

Rason:Line maintenance sa Malumanay corner Mayaman Streets

Mula 10 p.m. sa March 21 hanggang 4 a.m. sa March 22

  • Ilang bahagi ng Barangay Sikatuna Village

Rason: Line maintenance sa Mapagkumbaba corner Maginhawa Streets

Nag-abiso ang Manila Water sa mga apektadong residente na kapag nanumbalik na ang serbisyo, hayaan munang dumaloy ang tubig ng ilang minuto hanggang maging malinaw ito. RNT/SA

Previous articleArmyworm infestation sa sibuyas binabantayan ng DA
Next articleChocolate Hills resort tatalupan ng DILG Task Force