MANILA, Philippines – Inanunsyo ng East Zone concessionaire Manila Water Co. ang pagkaantala sa serbisyo sa Rizal at Quezon City simula Miyerkules ng gabi, Setyembre 20.
Ang #WalangTubig ay ikakasa dahil sa isasagawang maintenance ng linya, Line Meter Replacement, at Interconnection activities.
Kasunod nito, nag-anunsyo rin ang West Zone concessionaire Maynilad Water Services Inc. ng emergency interruption sa ilang bahagi ng Muntinlupa City dahil sa network maintenance.
Gayunpaman, ang lahat ng mga serbisyo ay nakatakda sa mga oras na wala sa peak upang maiwasan ang anumang karagdagang abala.
Nasa ibaba ang listahan ng mga apektadong lugar at ang kanilang mga petsa:
Sept. 20 to 21
10 PM to 4 AM – Brgys. Bagumbayan at Ugong Norte, QC
10 PM to 4 AM – Brgy. Dolores, Taytay, Rizal
10 PM to 5 AM – Brgy. Dela Paz (Logcom Village), Antipolo, Rizal
10 PM to 6 AM – Brgys. Alabang, Buli, at Cupang, Muntinlupa City
Sept. 21 to 22
10 PM to 4 AM – Brgys. Teachers Village East, Sikatuna Village, UP Village, San Vicente, Ugong Norte, at Bagumbayan, QC
10 PM to 4 AM – Brgys. San Isidro and San Juan, Taytay, Rizal
10 PM to 4 AM – Brgy. San Juan, Cainta, Rizal
10 PM to 4 AM – Brgy. Tayuman at San Carlos, Binangonan, Rizal
10 PM to 4 AM – Brgy. Dolores, Taytay, Rizal
Hinihikayat ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago magsimula ang pagpapanatili upang mabawasan ang mga posibleng isyu sa tubig. RNT