Home METRO Wanted na lider ng gang, kasamahan nasakote

Wanted na lider ng gang, kasamahan nasakote

TACLOBAN CITY- Arestado ang pinuno at miyembro ng isang criminal group sa Luzon nitong Lunes, sa Barangay Yapad, Pastrana, Leyte.

Kinilala ng mga pulis ang mga suspek na sina Michael Smith Abolencia, 40, alyas Michael Bakla at Michael Enting, pinuno ng Abolencia Criminal Group, mula sa Subic, Zambales, kasalukuyang naninirahan sa Barangay Yapad, at Serge John Ramos, 22, miyembro.  

Nagtatago umano ang mga suspek dahil sa carnapping.

Nadakip sila sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa New Anti-Carnapping Act of 2016 na inilabas ng Regional Trial Court, Branch 73, Olongapo City noong Marso 12.

Dinala sila sa Pastrama Municipal Police Station at ililipat sa Zambales Provincial Intelligence Unit at Subic Municipal Police Station para sa disposisyon.

Ang Pastrana ay isang fifth-class municipality sa ikalawang distrito ng Leyte halos 20 kilometro mula sa kabisera ng lalawigan sa Tacloban City. RNT/SA

Previous articlePagpasa ng Maritime Zones Law, ikinagalak ni Sen. Tolentino
Next articleKapakanan, kalusugan ng mga buntis tiniyak ni Bong Go