Home METRO Wanted na lolong nang-abuso ng apo, nadakma ng mga parak sa Obando

Wanted na lolong nang-abuso ng apo, nadakma ng mga parak sa Obando

Bulacan – Arestado ang lalaking wanted na nanghipo ng maselang bahagi ng 10 anyos na babae na kanyang kadugo matapos silbihan ng warrant of arrest ng pulisya sa bayan ng Obando.

Kinilala ng pulisya ang naarestong wanted na si Claro Dela Cruz, residente ng Brgy. Paliwas.

Sa report ni Obando Acting chief of police PMAJ Mark Anthony Tiongson, isinilbi ng kanilang tracker team ang warrant sa wanted bandang alas-2:00 ng hapon nitong Disyembre 20 sa nabanggit na lugar.

Ayon sa report, ang warrant sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to R.A 7610 (2 counts) ay inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 18, Malolos City, Bulacan nitong July 12, 2023.

Nalaman kay Tiongson na nang mabalitaan nila na nagbalik ang wanted sa lugar ay agad tinungo at hinuli ng kanilang tracker team.

Sinasabing ang biktima ay hinipuan ng suspek na kanyang mismong kadugo hanggang sa magtago nang matunugang ireklamo at lumabas ang kanyang warrant.

Kasalukuyang nakakulong ang inakusahan sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III

Previous articleForeign hackers posibleng sangkot sa pag-hack sa FB pages ng PNP – Fajardo
Next articleBatas na ‘di na kailangan ng IRR, isinusulong