MANILA, Philippines – Himas-rehas ang isang binata na wanted sa kasong qualified theft sa Navotas City matapos malambat ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Tondo, Manila.
Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong akusado bilang si Rolly Batac, 23 ng No. 85 Ilang-Ilang St., NBBS Proper, Navotas City.
Ayon kay Col. Ollaging, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Navotas police na madalas umanong maispatan ang presensiya ng akusado sa Balut, Tondo.
Alinsunod sa kampanya ng PNP kontra wanted persons, agad nagsagawa ang mga tauhan ng WSS ng manhunt operation in relation to SAFE NCRPO na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado sa No. 260 Interior, 25 Dayao St., Brgy. 129, Balut, Tondo, Manila dakong alas-2:05 ng hapon.
Si Batac ay dinakip ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 287 noong Agosto 22, 2022 para sa kasong Qualified Theft. Boysan Buenaventura