Home METRO Wanted person ng NPD, nasakote sa Caloocan

Wanted person ng NPD, nasakote sa Caloocan

MANILA, Philippines – TIKLO ang isang lalaki na nabibilang sa most wanted person sa Northern Police District (NPD) matapos ang isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng IDMS, Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas “Rudy” na wanted sa kasong pagpatay.

Bumuo ng team ang IDMS-WSS sa pangunguna ni PSSg Michael Agub bago nakipag-ugnayan sa Bagong Barrio Police Sub-Station 5 sa pangunguna ni P/Capt. Paul Normal Larugal saka nagsagawa ng joint manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-10:10 ng gabi sa Pangako St., Barangay 151.

Ayon kay Col. Lacuesta, dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 129 Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila noong Disyembre 19, 2023, para sa kasong Murder.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa IDMS-WSS ng Caloocan Police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. R.A Marquez

Previous articlePaslit patay sa sunog sa Laguna
Next article‘Underage’ Pinay nagtangkang lumipad pa-Oman bilang OFW, naharang ng BI