Home METRO Wanted person tiklo sa Caloocan

Wanted person tiklo sa Caloocan

MANILA, Philippines – SHOOT sa kulungan ang isang lalaki na itinuturing na isa sa mga most wanted person sa lungsod ng Caloocan matapos magsagawa ng manhunt operation ng ang mga awtoridad laban sa suspek sa lungsod.

Kinilala ni Caloocan Police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong akusado na si alyas “Antonio”, 33, garbage collector ng Barangay 176, Bagong Silang ng lungsod.

Base kay Col. Lacuesta, nagsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng manhunt operation kontra wanted person na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado bandang alas-7:30 ng gabi sa Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Barangay 176, Bagong Silang.

Ayon kay WSS, IDMS chief P/Maj. Jansen Ohrelle Tiglao, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Caloocan City Regional Trial Court Branch 125 Judge Rodolfo P. Azucena Jr. noong August 31, 2023, para sa paglabag sa Section 28 (a) in relation to Section 28 (e) (1), R.A. 10591.

Ang akusado ay pansamantalang ipiniit sa custodial facility unit ng Caloocan police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. R.A Marquez

Previous articleTulak at parokyano nasakote sa P150K shabu sa Malabon
Next articleObiena, Petecio nominado para sa POC Athletes’ Commission