Home METRO Wanted sa kasong rape, timbog sa manhunt

Wanted sa kasong rape, timbog sa manhunt

MANILA, Philippines – SWAK sa selda ang lalaki na wanted sa kasong rape sa Valenzuela City matapos maaresto ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Quezon City.

Kinilala ni P/Col Salvador Destura, Jr, hepe ng Valenzuela City Police Station ang naarestong akusado na si alyas “Alvin”, 33, residente ng Barangay Maligaya, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Col. Destura, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Valenzuela City Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa kinaroroonan ng akusado kaya agad silang nagsagawa ng manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay ‘Alvin’ sa Brgy. Culiat 1, Quezon City, bandang alas-9:47 ng gabi

Base kay P/Maj Randy Llanderal, hepe ng SIS, si ‘Alvin’ top 6 most wanted person ng Valenzuela City ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Arthur B. Melicor ng Valenzuela City Regional Trial Court Branch 284, noong July 21, 2023 para sa kasong Rape.

Samantala, nagpasalamat naman ang biktima sa pulisya sa pagkakahuli nila sa akusado dahil matagal na umano nila itong hinahanap simula nang magtago makaraan ang nangyaring insidente noong Mayo 10, 2023. R.A Marquez

Previous articleForeman binoga sa ulo, patay
Next articleEasterlies makaaapekto sa silangang bahagi ng bansa