Home METRO Wanted sa Valenzuela, timbog

Wanted sa Valenzuela, timbog

MANILA, Philippines – SWAK sa kulungan ang isang lalaki na nakatala bilang top 10 most wanted matapos matimbog ng pulisya sa isinagawag manhunt operation sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela Police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ang naarestong akusado na si alyas “Dennis”, 33 ng Brgy., Punturin ng lungsod.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng the Station Intelligence Section (SIS) na naispatan ang presensiya ng akusado sa kanilang lugar.

Bumuo ng team ang SIS sa pangunguna ni P/Capt. Ronald Sanchez saka nagsagawa ng intensified manhunt operation kontra wanted persons na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek dakong alas-5:15 ng hapon sa Lot. 1, Block 24 Green Meadows, Brgy. Punturin.

Ani Cpt. Sanchez, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 270 Presiding Judge Evangeline S. Mendoza Francisco noong October 6, 2021, para sa pagabag sa Sec. 5 (B) Art. III of R.A. 7610 – Child Abuse Law.

Pansamantalang nakapiit sa Custodial Facility Unit ng Valenzuela police ang akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte. R.A Marquez

Previous article6 pasahero nasagip sa nasirang motorbanca sa Surigao
Next articlePag-apruba sa same-sex blessing, idinipensa ni Pope Francis