Home METRO Wanted suspek sa Las Piñas nalambat sa Cavite

Wanted suspek sa Las Piñas nalambat sa Cavite

Arestado ng mga miyembro ng Las Piñas police Warrant and Subpoena Section (WSS) kabilang ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ang isang wanted na suspect sa isinagawang manhunt operation nitong Lunes (Setyembre 25) sa Bacoor, Cavite.

Kinilala ni Las Piñas police chief P/Col. Jaime Santos ang nadakip na suspect na si Romeo Rapanan, na naitalang 9th most wanted sa lebel ng distrito at ika-8 most wanted naman sa Las Piñas.

Base sa report na isinumite ni Santos sa Southern Police District (SPD), nadakip ang suspect dakong ala 1:40 ng hapon sa Soluna Executive Village, Molino Bouelvard, Bacoor, Cavite.

Ang pagkakaaresto kay Rapanan ay naipatupad sa bisa ng warrant of arrest na inisyu nito lamang Setyembre 8 ni Las Piñas Regional Trial Court (RTC) Judge Elizabeth Yu-Guray ng Branch 202 na may rekomendasyong piyansa na nagkakahalaga ng P600,000 para sa tatlong counts ng lasciviousness na nakapailalim sa Republic Act 7610.

Kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas police ang suspect habang naghihintay ng commitment order na magmumula sa korte para sa kanyang paglipat ngn piitan sa Las Piñas City jail. (James I. Catapusan)

Previous article44 suspected election-related violence naitala ng PNP
Next articleFB informal survey: Yes to HUC wagi