Home NATIONWIDE Warrant of arrest vs Quiboloy, ilalabas na, ’48 hours deadline, napaso’ –...

Warrant of arrest vs Quiboloy, ilalabas na, ’48 hours deadline, napaso’ – Hontiveros

Tulad nang pangako ni Senate President Juan Miguel Zubiri, nakatakdang ipalabas ang warrant of arrest laban kay Pastor Apollo A. Quiboloy matapos ang 48 oras na palugit upang saguting ang show cause order na kung ayaw nitong dumalo sa imbesstigasyon ng Senado.

Inihayag ito ni Senador Risa Hontiveros alinsunod sa ruling ng komite na ipinadala ng Senado sa kampo ni Quiboloy.

Senator Risa Hontiveros l (c) Cesar Morales

Iniimbestigahan ni Hontiveros ang ilang kaso ng sexual abuse, human trafficking at posibleng money laundering na inilatag ng mga dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ na pinamumunuan ni Quiboloy.

“So kasalukuyan pong pinare-receive na sa abogado ni Quiboloy itong ruling of the committee. Once matanggap nila, ifa-follow up ko na yung sinabi ko nung huling committee hearing na request kay SP na ipa-aresto na si Quiboloy,” ayon kay Hontiveros sa press conference.

Sinabi ni Hontiveros na alinsunod na itinakdang panahon na nag-lapse ang non-extendable 48 hours period para sumabgot si Quiboloy sa show cause order, nakatakda nang pirmahan ni Zubiri ang arrest warrant.

“So at least nagawa na niya iyon. So any minute now, the Senate President, as soon as I follow up on my request to him, as soon as matanggap ng abogado ni Quiboloy itong ruling of the committee, any minute then, pwede na pong i-issue iyon,” ayon kay Hontiveros na tumutukoy sa warrant of arrest.

Samantala, hindi naman tinugon ni Hontiveros ang posisyon ng Mababang Kapulungan na willing silang ibigay sa Senado ang kustodiya kay Quiboloy sakaling maaresto ang lider.

“No need for comparisons, pero lagi dati kapag mayroong pina-appear o pinaarresto ang Senado, ay naalagaan silang lahat dito sa Senado. Ngayon ko lang narinig yung sinabing iyon ng House. Kung ganoon, ay wini-welcome ko po yun dahil isa na namang halimbawa ng inter-parliamentary courtesy na ibinibigay traditionally ng dalawang Houses sa isa’t isa,” ayon kay Hontiveros. Ernie Reyes

Previous articleSuspensyon sa KWF chair binawi ng CA
Next articleRapper sa Cebu kulong sa pamamaril sa Kano