Home NATIONWIDE Wastong aksyon sa RBH 7 transmittal ng Kamara binubusisi ng Comelec

Wastong aksyon sa RBH 7 transmittal ng Kamara binubusisi ng Comelec

MANILA, Philippines- Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia na pag-aaralan ang plano ng Kamara na direktang i-transmit ang Resolution of Both House No.7 (RBH 7) sa poll body.

Sinabi ni Majority Leader Zamboanga City 2nd district Rep. Mannix Dalipe na makatwiran ito dahil walang opisina na awtorisadong tumanggap at magdesisyon sa RBH No. 7 ng Kamara at sa kaso ng Senado, ang RBH No.6, kundi ang Comelec.

Kasalukuyang pinangungunahan ni Sen. Juan Edgardo ‚ÄúSonny” Angara ang diskusyon sa iminungkahing pagbabago sa economic provisions sa 1987 Constitution bilang pinuno ng Senate Subcommittee on Constitutional Amendments and Revision of Codes sa pamamagitan ng Resolution of Both Houses No. 6.

Sa ngayon, tinatalakay pa ng Senado ang economic Cha-cha measure sa subcommittee level. Kapag umabot na sa plenaryo, 18 boto mula sa 24 na senador ang kailangan para maaprubahan ito sa ikatlong pagbasa.

Nang taungin si Garcia kung hihintaying maipasa ang Cha-cha measures, sinabi ni Garcia na bahagi ito ng kanilang pag-aaral.

Nakatakdang magsagawa ng sesyon ang Kamara ngayong Lenten Season, habang sinabi ni Angara na ang diskusyon sa Charter change sa Senado ay magpapatuloy matapos ang break. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleKapakanan, kalusugan ng mga buntis tiniyak ni Bong Go
Next articleResidential area sa QC nilamon ng apoy!