Home OPINION WATER IMPOUNDING FACILITIES MAY MALAKING  MAITUTULONG SA MAGSASAKA – NWRB

WATER IMPOUNDING FACILITIES MAY MALAKING  MAITUTULONG SA MAGSASAKA – NWRB

131
0

BINIGYANG papuri ni National Water Resources Board Executive Director Dr. Sevillo David, Jr. ang naging direktiba ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr. sa paglalagay ng mga water impounding facilities sa labas ng Metro Manila na malaki ang maitutulong sa mga magsasaka sa inaasahang pagtama ng El Niῇo phenomenon sa bansa.

Naniniwala si ED David na ang water impounding facilities ay makapagbabawas ng baha na palaging kabuntot ng malakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng National Capital Region at mapagkukunan ng tubig sa mga sakahan.

 Nakikipag-ugnayan na ang NWRB sa Water Resources Management Office na nasa ilalim ng Department of Environment and Natural Resources at sa Department of Public Works and Highways kaugnay sa utos ni Pangulong BBM.

 Kasabay nito ay muling nanawagan ang NWRB sa publiko na patuloy na maging responsable at disiplinado sa paggamit ng tubig lalo pa’t patuloy na bumababa ang water level sa Angat dam sa kabila ng madalas na pag-ulan sa Metro Manila.

May mga kondisyon naman umanong nakalatag, kabilang ang mabilisang pagresolba sa water leakages at pagsunod sa water conservation efforts ng pamahalaan. 

Ipinaaalam ng NWRB na inaprubahan nito ang 50 cubic meters per second (CMS) na alokasyon ng tubig para sa dalawang concessionaire ng MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System at ang 28.6 CMS naman para sa NIA o National Irrigation Administration mula July 1, 2023 hanggang July 15, 2023.

Sa mga naninirahan sa Metro Manila, ang antas ng tubig ng Angat Dam para sa buwan ng Hulyo ay mas mababa ng 30.07 meters kung ikukumpara sa 212 meters normal high water level (NHWL)

Base sa dam information ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nasa 181.93 meters ang level ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Executive Director Dr. David, Jr. ng NWRB, ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay malayo na sa 212 meters at malapit na sa 180, hindi na yata aabot sa end of the year target na 212 meters.

 

Previous articleHVI arestado sa P2.1M shabu
Next articleHUWAG SANANG ‘FALL GUY’

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here