Home NATIONWIDE Water level sa Luzon dams mababa – PAGASA

Water level sa Luzon dams mababa – PAGASA

MANILA, Philippines- Bumaba ang water levels sa siyam na dam sa Luzon sa below normal sa patuloy na epekto ng El Niño phenomenon sa mga lalawigan, ayon sa datos mula sa state weather bureau PAGASA.

Batay sa ulat nitong Martes ng PAGASA Hydrometeorology Division, mula Jan. 1 ay pababa na ang trend ng water levels.

Lahat ng dam ay nasa below-normal levels sa unang pagkakataon ngayong 2024 mula Jan. 27, matapos sumadsad ang tubig sa Angat Dam sa 211 metro.

Bumaba pa ang lebel ng tubig sa Angat Dam, na nagsu-supply sa mahigit 98% ng Metro Manila, sa 210.08 meters, na mas mababa ng 1.92 meters kumpara sa regular na 212-meter level.

Bukod sa Angat Dam, bumaba rin ang iba pang dam sa below-normal water levels sa pagpasok ng taon.

Sa siyam na dam, Ipo Dam ang nakapagtala ng pagtaas ng lebel ng tubig ngayong taon. Matapos bumaba sa 97 meters noong Jan. 29, umakyat ang water level nito sa 99 meters bagama’t mas mababa pa rin ng 2 meters sa normal na 101-meter level.

Narito naman ang kasalukuyan at normal water levels sa iba pang dam:

  • Ambuklao Dam — 750.94 meters (normal: 752 meters)

  • Binga Dam — 572.75 meters (normal: 575 meters)

  • San Roque Dam — 249.65 meters (normal: 280 meters)

  • Pantabangan Dam — 192.05 meters (normal: 221 meters)

  • Magat Dam — 183.14 meters (normal: 193 meters)

  • Caliraya — 287.51 meters (normal level not indicated; 288 meters, as per 2020 Napocor report)

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) noong nakaraang buwan na sapat ang water supply sa darating na tag-init sa kabila ng epekto ng El Niño.

Anang PAGASA, inaasahang aabot sa peka nag extreme climate phenomenon ngayong Pebrero, kung saan posibleng maramdaman ang epekto nito hanggang Hunyo.

Pagsapit ng Abril, aabot ng 56 probinsya ang masasapul ng El Niño, ayon sa state weather bureau.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong nakaraang buwan ang Executive Order 53 upang buhayin ang Task Force El Niño, na magpapatupad ng “both short and long-term solutions to ensure food, water and energy security, safeguard livelihoods, and improve the country’s disaster and climate resilience.” RNT/SA

Previous articleLTO chief inakusahan ng korapsyon; alegasyon tinatalupan ng DOTr
Next articlePH gov’t handang tumugon sa economic challenges – PBBM