Home METRO Water service interruptions sa ilang lugar sinuspinde ng Maynilad

Water service interruptions sa ilang lugar sinuspinde ng Maynilad

169
0

MANILA, Philippines- Sinuspinde ng Maynilad Water Services ang service interruptions sa ilang lugar simula nitong Linggo sa pagtaas ng water level sa Ipo Dam dahil sa Bagyong Dodong.

“Pansamantang isususpinde ang scheduled daily water service interruptions sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Manila, Navotas, Quezon City at Valenzuela simula ngayon hanggang sa susunod na abiso,” pahayag ng West Zone water concessionaire.

“Ang mga pag-ulan nitong nakalipas na araw dulot ng #DodongPH ay nakatulong mapataas ang water elevation sa Ipo Dam, dahilan kung bakit patuloy naming natatanggap mula sa portal ang 2,400 MLD (million liters per day) na aming kailangan para mapanatili ang normal na serbisyo sa kabila ng mas mababang water allocation mula sa Angat Dam,” paliwanag nito.

Nauna nang inanunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System na makararanas ng water service interruptions hanggang 12 oras ang halos 591,000 customers mula July 12 dahil sa pagbaba ng water level sa Angat Dam.

“Ibabalik lamang ang daily service interruptions kapag tumigil na ang water inflows sa Ipo Dam dala ng mga pag-ulan, at muling maramdaman ang kabuuang epekto ng 48 CMS (cubic meters per second) allocation. Magbibigay kami ng abiso bago ito ipatupad muli,” anang Maynilad =.

Sa kabila ng suspensyon ng service interruptions, hinihikayat ang publiko na patuloy na magtipid ng tubig.

Hanggang nitong alas-6 ng umaga, Linggo, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration na ang water level sa Ipo Dam ay 100.02 meters. Ang normal level ay 100 meters.

Samantala, ang water level sa Angat Dam ay 179.06 meters. Ang “normal high level” ay 210 meters habang ang “minimum operating level” ay 180 meters. RNT/SA

Previous articleMMDA itinangging may diskriminasyon sa paghuli sa mga motoristang sumisilong sa ilalim ng flyover, footbridge
Next articleFood stamp program, aarangkada sa Martes – DSWD

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here