Home HOME BANNER STORY Wattah! Wattah! Festival sa San Juan City ihihinto na; ‘Basaan Zone’ itatalaga

Wattah! Wattah! Festival sa San Juan City ihihinto na; ‘Basaan Zone’ itatalaga

MANILA, Philippines- Hindi na magsasagawa ang San Juan City government ng Wattah Wattah Festival sa lahat ng parte ng lungsod simula sa susunod na taon.

Sa halip, ikakasa ito sa mga itatalagang “Basaan Zone,” base kay San Juan City Mayor Francis Zamora.

“Magde-designate na lang po tayo ng isang ‘Basaan Zone’ within the Pinaglabanan Area. Ito po iyong kahabaan ng ating Pinaglabanan Road, mula sa N. Domingo hanggang P. Guevarra. Sa mga susunod na taon, dito na lang po natin gagawin ang ating basaan,” pahayag ng alkalde.

“All other areas outside the ‘basaan zone’ ay hindi na po puwedeng magkaroon ng basaan,” dagdag ni Zamora.

Magpapasa rin ang lungsod ng ordinansa upang maiwasan ang mga kaguluhan sa pagdiriwang ng kapistahan.

“Para po hindi na magkaroon ng pagkakataon ang sinuman na manggulo, ay ipagbabawal na po natin ang basaan outside the basaan zone,” giit ni Zamora.

“We will try to make it still as fun and enjoyable to everyone, bagama’t liliit na lang po iyong lugar kung saan puwedeng magkaroon ng basaan,” aniya pa. RNT/SA