Home NATIONWIDE Weather monitoring pagandahin vs baha – PBBM

Weather monitoring pagandahin vs baha – PBBM

171
0

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tututukan ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng multi-use infrastructure at paghusayin pa ang weather forecasting na magpapagaan sa pagbaha.

“Yun lamang at talagang kailangan tingnan nang mabuti kung ano ‘yun magiging weather, kaya’t kasama rin diyan hindi lamang sa flood control… nagbago na hindi lang ‘yung paglagay ng dike, hindi lang ‘yung paglagay ng dam, kung hindi pati na ang pagbantay nang mabuti sa panahon,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam sa Zamboanga City.

Binigyang diin ni Pangulong Marcos na ang climate change ay nararamdaman na sa mga komunidad, sabay sabing iyong mga hindi karaniwang nararanasan ang pagbaha sa nakalipas na panahon ay madali ng tamaan ngayon ng pagbaha.

Kinokonsidera rin ng Pangulo ang magkaroon ng ‘impounding pools’ para kontrolin ang pagbaha.

“In other words, maghuhukay tayo, doon natin iiipon ‘yung tubig. Maganda ‘yan dahil unang-una hindi nasasayang ‘yung tubig, may iiwan doon sa atin,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Tapos pagka medyo tuyo, pag hindi na umuulan, gamitin natin ‘yung tubig para pang-irrigation ulit, puwede pang lagyan ng isda,” dagdag na wika nito.

Buwan ng Hunyo, inatasan ni Pangulong Marcos ang Water Resources Management Office na bumuo ng komprehensibong plano para protektahan ang coastal areas mula sa pagbaha sa panahon ng tag-ulan.

Aniya, ang estimated cost ng flood control projects ng pamahalaan sa Kalakhang Maynila at sa kalapit na lugar ay P351 bilyon. Kris Jose

Previous articlePBBM sa P20 kada kilo ng bigas: May chance lagi ‘yan
Next article2 environmentalist: Dinukot kami ng militar

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here