Home NATIONWIDE Website ng House of Representatives gumagana na matapos ma-hack

Website ng House of Representatives gumagana na matapos ma-hack

MANILA, Philippines – Ganap nang naibalik ang opisyal na website ng House of Representatives (HOR) matapos ang cyber attack.

Sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco na ang mga komprehensibong hakbang ay ginawa upang mapahusay ang seguridad ng website upang matugunan ang “pinakamataas na pamantayan ng cybersecurity”.

Patuloy namang iniimbestigahan ang nasabing cyber attack at target na tukuyin ang nasa likod ng nasabing pag-atake.

Maaaring ma-access ang website ng HOR sa https://www.congress.gov.ph/

Noong Linggo, ang home page ng website ng HOR ay nagpakita ng larawan ng isang meme na may caption na “na-hack ka” na na-upload ng isang tao o grupo na tinawag ang kanilang sarili na 3musketeerz. RNT

Previous articleHAMON KAY GEN. KENNETH LUCAS
Next articleMAY PINOY BA SA NORTHERN GAZA?