Home NATIONWIDE Website ng Kamara nakaranas ng cyberattack

Website ng Kamara nakaranas ng cyberattack

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni House Secretary General Reginald Velasco na nagkaroon ng massive cyberattack sa website ng House of Representatives nitong Miyerkules, Marso 13.

“This cyberattack aimed to disrupt the normal operation of our website by flooding it with an overwhelming amount of internet traffic, rendering the House’s website inaccessible to the public. This incident marks the first time our website has experienced a cyberattack of this magnitude,” pahayag ni Velasco.

Ani Velasco, nagsimula ang pag-atake sa kanilang website alas-8:50 ng umaga at makalipas lamamg ng isang oras ay umabot na ito sa 53 million attacks at pagdating ng alas-4:36 ng hapon ay nasa 480 million na.

Ipinaliwanag ni Velasco na base sa naging pagsisiyasat ng House Informations and Communications Technology, karamihan ng naging pag-atake ay mula sa Indonesia, United States, Columbia, India, at Russian Federation, ani Velasco, maaaring hindi rin eksakto ang nasabing mga lokasyon dahil maaaring gumamit ang mga attacker ng Virtual Private Networks (VPNs) upang itago ang kanilang lokasyon.

Sinbi ni Velasco na natugunan na ng Kamara ang cyberattack at naibalik na sa ayos ang website.

“The objective of this cyberattack was clear: to make our digital platform unavailable to users. This tactic temporarily succeeded, but we quickly addressed the issue. Throughout the day, our website experienced several downtimes but was promptly restored each time. Our Information and Communications Technology (ICT) team vigilantly monitored the situation to ensure that our services to the public remained unaffected,” giit ni Velasco.

Maliban sa website attack ay normal ang naging operasyon ng Kamara at walang trabaho nito ang nakumprumiso.

Matatandaan na hindi ito ang unang pag-atake sa website ng Kamara, noong Oktubre 2023 ay napasok ng hackers ang website at inabot ng isang linggo bago naibalik ang website. Gail Mendoza

Previous articleBea, suot ulit ang engagement ring, nakipagbalikan kay Dom?
Next article3 panukala na nakatutok sa edukasyon, aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara