Home METRO Welder arestado sa P1.7M droga

Welder arestado sa P1.7M droga

TACLOBAN CITY-UMABOT sa P1.7M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang welder matapos ang isinagawang buy bust operation, nitong Biyernes sa lungsod na ito.

Nakakulong ngayon sa lock-up facility ng Tacloban City-PNP ang suspek na kilala sa alyas Jessie, 32-anyos, nasa listahan ng high value individual at residente ng Barangay 106, Sto. Niño, Tacloban City.

Ayon kay LT COL Edwin Cañamaque, hepe ng City Community Affairs and Development Unit-Tacloban City Police Office, nakuha sa suspek ang 20 pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu at may timbang na 264 gramo at aabot sa halagang P1,795,200.

Nakuha din sa suspek ang P1,000 boodle money, P500 buy bust money, at mga drug paraphernalias.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang suspek. /Mary Anne Sapico

Previous articleGinang isinilid sa sako ng kinakasama dahil sa selos
Next articlePinakamataas na pagkilala iginawad kay Tagle ng Pransya