Home METRO Welder isinelda sa panghoholdap sa businesswoman sa Malabon

Welder isinelda sa panghoholdap sa businesswoman sa Malabon

MANILA, Philippines – Bagsak sa kulungan ang isang welder matapos tutukan ng baril at holdapin ang isang businesswoman sa Malabon City, kahapon ng umaga, Agosto 5.

Nahaharap sa kasong Robbery Hold-Up at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) ang naarestong suspek na si Marvin Saraga, 39 ng 085 Cattleya St., Brgy. NBBS Proper, Navotas City.

Sa ulat ni PSSg Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan, habang naglalakad sa kahabaan ng Herrera St., Brgy., Ibaba, Malabon City dakong alas-9:30 ng umaga ang biktimang si Mardy Japzon 49, biyuda ng Jacinto St., Brgy. Concepcion nang tutukan siya ng suspek ng baril sabay pahayag ng holdap.

Sa takot sa kanyang kaligtasan, hindi na pumalag ang biktima nang sapilitang kinuha ng suspek ang pera niya na nasa P1,350 at cellphone bago mabilis na tumumakas ang holdaper patungong Gen. Luna St., Brgy. Concepcion.

Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga bystander na malapit sa lugar na agad namang tumugon at hinabol ang holdaper hanggang sa makorner at maaresto bago tinurn-over sa mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 6.

Narekober sa suspek ang isang improvised firearm (Pen Gun), dalawang bala ng cal. 38, pera at ang cellphone ng biktima nasa P6,000 ang halaga. Boysan Buenaventura

Previous articleScammer na nagpanggap na DOTR liaison, arestado
Next articleDelivery rider, kasabwat tiklo sa P346K shabu