Wesmincom chief sa Jolo misencounter: “Lapse of judgment call”

Wesmincom chief sa Jolo misencounter: “Lapse of judgment call”

June 30, 2020 @ 6:43 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Sulu – Ikinalungkot ng Western Mindanao Command (WESMINCOM) ang umano’y pagkamatay ng apat na operatiba ng Intelligence Service Unit (ISU) ng Philippine Army nang mapagkamalang kalaban ng mga pulis na nagmamando ng checkpoint sa Barangay Busbos, Jolo.

“It’s seems overkill, wala namang makitang mga baril, we want an impartial investigation conducted by the National Bureau of Investigation,” pahayag ni Lt. General Cirilito Sobejana, Wesmincom Commander.

Sa ulat ng militar, lulan ang apat na miyembro ng 9th ISU ng gray SUV (Montero) nang pagbabarilin sila ng police personnel ng Jolo at Police Drug Enforcement Unit (PDEU) personnel na nakatalaga sa lugar.

Kinilala ang mga nasawi na sina Major Marvin Indamog, Captain Irwin Managuelod, Sergeant Eric Velasco, at Corporal Abdal Asula.

“It could be a lapse of judgement call from the part of the PNP personnel when they immediately opened fire, admittedly there is a high level of paranoia among those assigned government forces in Jolo,” paliwanag pa ni Sobejana. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...