Home HOME BANNER STORY WFH business sa economic zones ‘wag nang bigyan ng tax break-DOJ

WFH business sa economic zones ‘wag nang bigyan ng tax break-DOJ

MANILA, Philippines – Hindi na dapat pagkalooban ng tax incentives ang mga registered business enterprises (RBEs) sa mga economic zones kung patuloy na ipatutupad ang work-from-home (WFH) arrangements kahit tapos na ang Covid-19 pandemic.

Ito ang inilabas na legal opinion ng Department of Justice bilang tugon sa inquiry ni Presidential Management Staff Undersecretary for Legal and Monitoring Rodolfo John Robert C. Pallatao IV.

Nakasaad sa legal opinion ni Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla na sa Section 309 ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act o R.A. No. 11534, ang mga registered projects o activities sa ilalim ng Investment Promotion Agency (IPA) na nasa  economic zone o freeport ay binibigyan ng incentive.

Ang mga business enterprises na nasa economic o freeport zone ay maaring magpatuloy ng kanilang aktibidad sa loob ng zone boundaries kung nais pa rin na makakuha ng tax incentives sa ilalim ng  CREATE Act.”

Hiningi ni Pallatao ang legal opinion ng DOJ bunsod ng magkakaibang pananaw ng Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Economic Zone (PEZA), National Economic and Development Authority (NEDA), Fiscal Incentives Review Board (FIRB), at Office of the Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs (OPAIEA) kung ang WFH arrangements ng mga RBEs, partikular ang mga nasa sektor ng Information Technology and Business Process Management (IT-BPM) ay pwede pang makakuha ng tax incentives kahit tapos na ang pandemya.

“these enterprises are not prohibited from adopting a WFH arrangement but will no longer be eligible to continue enjoying the tax incentives”, ani Remulla.

Sinabi ng kalihim na dahil sa pagpapawalang bisa na ng State of Public Health Emergency, inaasahan na aalisin na rin ang WFH arrangements at balik sa office set kung patuloy na nais makakuha ng tax incentives.

Gayunman, sinabi ni Remulla na mayroon RA 11165 o Telecommuting Act kaugnay sa pagtatrabaho sa ‘alternative workplace’ gamit ang  telecommunications o computer technologies.

Kung sakali aniyang magsalungat ang dalawang batas, ang probisyon ng CREATE law ang mangingibabaw bilang pinakabagong batas na ipinaiiral. Teresa Tavares

Previous articlePinoy fisherman hinabol ng China Coast Guard sa Bajo de Masinloc
Next articleTamang paggamit ng kuryente sa gov’t offices iniatas ng Malakanyang