Home HOME BANNER STORY WFH sa gobyerno, asynchronous public classes sa Okt. 31 itinakda ni PBBM

WFH sa gobyerno, asynchronous public classes sa Okt. 31 itinakda ni PBBM

MANILA, Philippines – ITINAKDA na ng Malakanyang ang work-from-home (WFH) arrangement para sa government employees at asynchronous o pagtuturo sa mga klase para sa pampublikong paaralan sa Oktubre 31.

Nagpalabas ang Malakanyang ng memorandum circular (MC) na pinapayagan ang WFH sa nasabing petsa.

Tinintahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, binigyan ng karapatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang MC 38, na nagsasaad na “work from home arrangement in government offices shall be implemented, and asynchronous classes in public schools shall be conducted on 31 October 2023.”

Ayon sa MC 38, binibigyan ang mga empleyado ng gobyerno ng “full opportunity to properly observe All Saints’ Day on 1 November 2023 and allow them to travel to and from the different regions in the country.”

Gayunman, ang mga ahensiya ng pamahalaan na may kinalaman sa paghahatid ng mga “basic at health services, disaster preparedness o response, at iba pang pangunahing serbisyo ay magpapatuloy sa kanilang karaniwang operasyon at pagbibigay serbisyo sa tao.

Sa ilalim ng MC 38, ang kahalintulad na arrangement para sa trabaho sa pribadong kompanya at pribadong eskuwelahan ay nakasalalay sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

“Filipinos will enjoy a long weekend with the declaration of three non-working holidays on Oct. 31 and Nov. 1 and 2,” ayon sa Malakanyang.

Nauna rito, idineklara ni Pangulong Marcos ang Oktubre 30 (Lunes) bilang special non-working day para payagan ang mga filipino na makaboto sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections.

Idineklara rin ng Punong Ehekutibo bilang holiday ang Nobyembre 1 (Miyerkules) para sa paggunita sa All Saints’ Day at Nobyembre 2 (Huwebes), All Souls’ Day. Kris Jose

Previous articleActive COVID cases bumaba sa 2,929
Next articlePasok sa Manila City Hall, half-day lang sa Okt. 31