Home HEALTH WHO: Holiday gatherings, JN.1 variant mitsa ng pagkalat ng COVID-19

WHO: Holiday gatherings, JN.1 variant mitsa ng pagkalat ng COVID-19

GENEVA, Switzerland- Isinisi sa mga pagtitipon nitong nagdaang holidays at sa JN.1 variant ang pagkalat ng COVID-19 sa buong mundo noong Disyembre, ayon sa pinuno ng World Health Organization (WHO) nitong Miyerkules.

Halos 10,000 pagkasawi mula sa COVID-19 ang naiulat sa WHO noong Disyembre, habang umakyat ang bilang ng mga dinala sa ospital ng 42 porsyento at tumalon din ang ICU admissions ng 62 porsyento nitong nakalipas na buwan, ayon kay Tedros Adhanom Ghebreyesus sa virtual press briefing sa Geneva. 

Base ang trends sa datos mula sa halos 50 bansa, karamihan ay sa Europe at sa Americas, ayon sa director-general ng health agency, na naniniwalang may pagsirit din ng kaso sa iba pang bansa na hindi naiuulat.

Bagama’t hindi na itinuturing ang COVID-19 na global health emergency, kumakalat pa rin ang virus, babala niya.

Iniugnay ni Maria Van Kerkhove, WHO technical lead para  sa COVID-19, ang pagdami ng respiratory diseases sa buong mundo sa coronavirus, flu, rhinovirus at pneumonia. 

“We expect those trends to continue into January through the winter months in the northern hemisphere,” wika niya. RNT/SA

Previous articlePagrerebisa sa K to 12 curriculum, target tapusin sa May 2024
Next articleMga jeep na ‘di nakiisa sa PUV consolidation ‘kolorum’ na simula sa Pebrero