MANILA, Philippines – Matapos ang insidente ng hacking sa kanilang website, sinabi ng World Health Organization (WHO) na walang nakompromiso na mga sensitibong impormasyon.
Sa inilabas na pahayag ng WHO sa Maynila, tiniyak nito na walang impormasyong nakuha ang mga hacker mula sa mga detalye sa isang COVID-19 patient.
Pagtitiyak ng WHO, tanging ang Department of Health (DOH) lamang ng Pilipinas ang kumukuha ng datos at hindi sila kumokolekta ng impormasyon ng isang pasyente partikular sa mga nabakunahan.
Hindi naman umano sila nabibigyan ng mga impormasyon ng DOH.
Aminado ang WHO, kumuha sila ng mga impormasyon sa mga Health Department sa buong mundo ngunit ito ay tungkol lamang sa mga tinamaan ng virus, mga na-ospital, namatay at dosage ng bakuna na itinurok sa mga tao. Jocelyn Tabangcura-Domenden