Home HOME BANNER STORY Widodo balik-Indonesia na

Widodo balik-Indonesia na

MANILA, Philippines- Umalis na si Indonesian President Joko Widodo sa Manila nitong Huwebes matapos ang kanyang official visit sa Pilipinas.

Lumisan ang presidential plane ni Jokowi sa Villamor Airbase lampas alas-12:40 ng hapon.

Nakipagpulong si Jokowi kay Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr., sa layuning palakasin ang bilateral ties sa pagitan ng dalawang bansa. Tinalakay din ng dalawang pinuno ang mga isyu sa South China Sea maging pagpapalakas ng border controls.

Bukod sa kanyang bilateral meeting kasama si Marcos, binisita rin ni Jokowi ang Kopiko Philippines Corporation (KPC) – Laguna Plant sa Calamba,  na isang Indonesian investment sa bansa.

Gayundin, nagtungo si Jokowi sa W Hydrocolloids, Inc. – Carmona Plant sa Cavite kung saan inihayag niya na may potensyal ang Indonesia na mag-develop ng seaweed processing industry.

Umaasa ang Indonesian President na lalakas nag seaweed processing ng kanyang bansa na kalaunan ay maaaring i-export sa ilang bansa tulad ng Pilipinas. RNT/SA

Previous articleNBA: Piston taob sa Spurs
Next articleDonBelle, ibinahagi ang sikreto ng tagumpay!